May sorpresa ang "Hello, Love, Goodbye" lead stars na sina Alden Richards at Kathryn  Bernardo sa kanilang fans sa GMA News program na "Unang Hirit" bukas, Biyernes.

Sa teaser video, makikita si Kathryn na nag-iimbita sa mga Kapuso.

"Hello po mga Kapuso. Abangan niyo po kami bukas sa aming unang sopresa ni Alden. Kaya 'G' na at gumising nang maaga. It's a date," anang aktres.


--FRJ, GMA News