Muling mapapanood sa longest-running gag show na "Bubble Gang" ang nagbabalik-showbiz na si RJ Padilla.

"Unang una gusto kong magpasalamat sa Diyos kasi lahat naman ng ito Siya ang may gawa. Hindi ko in-expect na makakabalik ako sa trabaho ulit sa 'Bubble Gang,' especially," sabi ni RJ sa panayam sa kaniya ng GMANetwork.com.

ALAMIN: Denise, bakit hindi makakalimutan ang dating ka-'Bubble Gang' na si RJ Padilla?

Nagpasalamat si RJ sa pagbigay sa kaniya ng welcoming ng "Bubble Gang" family.

Na-miss daw ni RJ ang trabaho niya sa naturang gag show noong nasa Australia siya.

"Sobra. Tsaka mas na-appreciate ko 'yung trabaho ko rito sa Bubble Gang simula nang magtrabaho ako sa ibang bansa. 'Yung mga maliliit na bagay, mas napansin ko," kuwento ng aktor.

"'Pag hindi ka kailangan meron kang opportunity na puwede kang matulog, puwede kang manood. 'Pag may kailangan ka nandiyan sila, tatanungin ka kung gusto mo ba ng tubig, kukuhanan ka pa ng tubig. 'Yung ganoon, na-a-appreciate ko 'yung maliliit na bagay na wala sa Australia," pagpapatuloy ni RJ.

Matatandaang lumipad si RJ kasama ang pamilya sa Australia noong 2017.

Ibinahagi rin ni RJ ang naging buhay niya sa Australia, na mailalarawan niya bilang isang "humbling experience." Panoorin ang kaniyang kuwento.


--FRJ, GMA News