Nagluluksa ngayon ang "Eat Bulaga" dabarkads na si Allan K dahil sa pagpanaw ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki.

Ipinabatid ng TV host ang malungkot na balita sa kaniyang Instagram post ngayong Huwebes.

"The good Lord will take care of you in heaven. Rest well BUNSO. Your manong allan will always miss you," saad ni Allan K.

"I love you so much. Ngayon pa lang namimiss na kita eh......bye for now. Regards to nanay and tatay in heaven...." patuloy niya.

 

 


Hindi binanggit ni Allan K ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang kapatid.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kaniyang mga follower, kabilang ang ilang celebrities.--FRJ, GMA News