Ipinakita nina Mark Herras at Rochelle Pangilinan na wala pa rin silang kupas pagdating sa hatawan nang mag-collaborate sila para sa ilang dance covers.

Sa Instagram ni Rochelle, makikita na nakipaghatawan ang dating Sexbomb dancer sa "Bad Boy ng Dance Floor" dahil kaarawan ni Mark nitong Disyembre 14.

Sa iba pang video, kasama rin nila ang isa pang magaling sa dance floor na si Rodjun Cruz.

Sumayaw sila sa upbeat songs ngayon tulad ng "Whiskey Cola" ng NP Heaven, "Prrrum" ni Cosculluela at "Body" ni Megan Thee Stallion.

 

 

 

"Yup 34 today!! Ang wish ko lang eh normal & safe delivery for you Itchy & Heathy Bibiboy namin" hiling ni Mark sa kaniyang kaarawan na inaasahan ang baby boy nila ng partner na si Nicole Donesa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

 

—AOL, GMA News