Ipinadama ni Marc Pingris ang Araw ng mga Puso sa kanilang mga kasambahay nang sorpresahin niya rin ang mga ito ng mga bulaklak at heart balloons sa okasyon.

Sa Instagram ng Philippine Basketball Association (PBA) veteran, makikita ang sorpresa ni Marc sa kaniyang asawa na si Danica Sotto at anak na si Caela.

Sa sumunod na larawan, makikitang niregaluhan din ni Marc ng mga bulaklak at balloon ang kanilang mga kasambahay.

Nagpasalamat ang basketball player sa kanila, na bahagi na ng kanilang pamilya.

“Happy Valentines! Love you my [princess]. Love you Caela!!!!! At salamat sa mga kasambahay namin!” caption ni Marc. – Jamil Santos/RC, GMA News