Sa kaniyang guesting sa "Mars Pa More," ibinahagi ng aktor na si Arron Villaflor na isa na rin siyang certified plantito at nagka-interes sa pagtatanim.

Bukod sa pinagkakakitaan niya ngayon ang mga tanim niyang sili sa kaniyang business, siya na rin ang nagla-landscape ng hardin ng kaniyang ina.

"I never expected na I'll be loving plants talaga and I'll be loving planting. So ngayon I'm very glad and happy na I'm doing this not for myself but also for my family," sabi ni Arron.

Panoorin ang buong panayam kay Aaron at kay Nathalie Hart sa video ng "Mars Pa More."

--FRJ, GMA News