Naka-isolate ngayon ang asawa ni Pia Guanio na si Steeve at anak nilang si Scarlet, matapos na magpositibo ang mag-ama sa COVID-19.

"My husband Steeve and daughter Scarlet are both isolating after testing positive for Covid-19," saad ni Pia sa caption sa Instagram, na makikita ang kaniyang mag-ama na nasa hiwalay na kuwarto.

"Because of God’s grace and great love both of them are experiencing very mild symptoms and are in good spirits. Thank you LORD!" patuloy ni Pia.

"We miss them badly but we are grateful they are healing and recovering well," dagdag niya.

 

 

Naglagay din si Pia ng bible verse sa kaniyang post: "For I, the Lord your God, hold your right hand; it is I who say to you, "Fear not, I am the one who helps you. Isaiah? ?41:13? ?ESV??."

Ilang celebrity rin at kani-kanilang pamilya ang tinamaan din ng virus. Kabilang dito si Ina Raymundo na buong pamilya ang nagpositibo sa COVID-19.

Tinamaan din ng virus sina Iya Villania, Arnold Clavio, Pia Wurtzbach,  Maureen Montagne, Samantha Bernardo, Miriam Quiambao, Candy Pangilinan, at  Tuesday Vargas. —FRJ, GMA News.