Reunited ang mga Sang'gre ng Encantadia noong 2016 na sina Glaiza De Castro, Gabbi Garcia, Kylie Padilla at Sanya Lopez nitong Linggo para sa isang hot performance sa "All-Out Sundays."

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Glaiza ang larawan nilang apat sa kanilang all-black outfit matapos ang kanilang sizzling dance number sa kantang "First Class" ni Jack Harlow.

 

Ayon kay Glaiza, ang kanilang reunion ay kasabay na rin ng selebrasyon para sa malapit nang mapanood na Running Man Philippines sa Setyembre.

Nagbigay naman ng nostalgia sa Encantadia fans ang reunion ng apat na Sang'gre.

"Avisala sa mga nanood, Kapuso ????" caption ni Glaiza. —LBG, GMA News