Halos dalawang taon matapos ang kanilang engagement, nagpakasal na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Nitong Miyerkules, nag-post ng ilang larawan sa Instagram Sophie kaugnay sa kanilang kasal.

“I have found the one whom my soul loves,” saad ng aktres na sinipi mula sa librong Songs of Solomon.

Nilagyan ni Sophie ng hashtag ang naturang post ng #SoVinLoveForever.

 

 

Sa Instagram stories, inihayag ni Sophie na katagang “finally a Mrs.”

Pebrero 2021 nang ibahagi nina Sophie at Vin ang kanilang engagement. Sa sumunod na buwan, isinilang ang panganay nilang anak na si Avianna.— FRJ, GMA Integrated News