Gorgeous, fabulous, at beautiful. Ilan lang 'yan sa mga positibong komento ng netizens sa singer na si Rachel Alejandro sa kaniyang ipinost na larawan habang nasa beach.

"I can sea clearly now," saad ni Rachel sa caption ng larawan habang naglalakad siya sa beach ng Balesin Island, suot ang two-piece bikini.

Napag-alaman na kasama ni Rachel sa Balesin ang mga kaibigan niya, kabilang sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo.

 

Nitong Linggo, nag-post si Geneva ng kaniyang larawan sa Balesin suot ang red two-piece bikini.

 

 

--FRJ, GMA Integrated News