Engaged na ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Ipinaalam ang kanilang engagement sa isang video na ibinahagi ni Rayver sa kaniyang Facebook account nitong Nobyembre 23, 2026.

Plinano ni Rayver ang marriage proposal bilang sorpresa kay Julie Anne. Ibinahagi rin ng aktor na lalo siyang kinabahan habang papalapit ang araw ng kaniyang plano.

Nasaksihan ang proposal ng kanilang mga kaibigan at kapamilya. Hindi napigilan ni Julie Anne na maging emosyonal habang tinatanggap ang proposal ni Rayver.

— FRJ GMA News