Nakaligtas sa ikatlong nomination para sa eviction ang tambalan nina Bianca De Vera at AZ Martinez sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Nakakuha ng immunity sina AZ at Bianca makaraang manalo sa ikalawang duo challenge.
Sa naturang challenge, kinailangan ng magpares na ayusin batay sa kulay ang mga nakalagay sa apat na pole. Ang may pinakamabilis na oras ang mananalo.
Ligtas din sa nomination ang pares nina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat dahil sila ang bagong housemates sa bahay ni Kuya.
Tatlong pares naman ng mga male housemate ang nominado ngayon para mapatalsik sa bahay ni Kuya.
Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa ganap na 10 p.m. sa weekdays at 6:15 p.m. naman sa weekends. —mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News