Philippine Marines salute the flag on the BRP Sierra Madre, a dilapidated Navy ship that has been aground since 1999 on Ayungin Shoal, on March 29, 2014. REUTERS/ Erik De Castro/ File photo

Sinabi ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro na maituturing “act of war” o indikasyon ng pakikidigma laban sa Pilipinas kapag puwersahang hinila o inalis ng China sa kinalalagyan ang nakasadsad na barkong pandigma ng bansa na BRP Sierra Madre.

Sa ulat ng isang Chinese news outlet, inihayag na pinag-iisipan umano ng Beijing ang pagpapataw ng mga parusa laban sa Maynila. Kabilang dito ang paghila sa BRP Sierra Madre—isang lumang barkong pandigma na sadyang isinadsad noong 1999 sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ang barko ang nagsisilbing outpost ng militar ng bansa sa naturang lugar.

"'Yung Sierra Madre BRP, barko ng Republika ng Pilipinas ano at kung iyan ay tinangka, or, may mangyari diyan at sa kadahilanan ng ginamitan ng puwersa, eh, iyan ay act of war against the Republic of the Philippines," ayon kay Teodoro.

Nilinaw din ng kalihim na magkaiba ang “act of war” at ang “state of war,” dahil tanging ang Pangulo at Kongreso lang ang maaaring magdeklara ng digmaan.

Ayon kay Teodoro, dahil barkong pandigma ang BRP Sierra Madre, maituturing na akto ng pakikidigma ang anumang gagawing pag-atake rito.

"Any threat against BRP Sierra Madre will be taken very seriously because it will be an act against a military vessel of the Republic of the Philippines," sabi ng kalihim.

Asked if the Philippines will envoke its Mutual Defense Treaty with the United States if China boarded the BRP Sierra Madre, Teodoro said that that "the possibility is open".

Nang tanungin kung hihilingin ng Pilipinas ang pagpapatupad ng Mutual Defense Treaty nito sa Amerika sakaling salakayin ng China ang BRP Sierra Madre, sinabi ni Teodoro na “the possibility is open.

Gayunman, nakasalalay umano sa desisyon ng Pangulo ang hakbang na gagawin sakaling mangyari ito.

Muling uminit ang ugnayang diplomatiko ng Maynila at Beijing matapos sabihin kamakailan ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa sa West Philippine Sea.

Ilang opisyal ng Pilipinas ang nanawagan na paalisin si Quan sa bansa at hinimok si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ideklarang persona non grata ang embahador ng China.

Sinabi ni Teodoro na bagama’t mas lantaran na ngayon ang mga banta, matagal na itong nangyayari.

"It just goes to show you that whatever supposedly goodwill that they are doing is a weapon and they are weaponizing it. And it also serves as a lesson for us to make our economy more resilient and to build up our industries and to firm up our country," ayon kay Teodoro.

"We are constantly being threatened, subtly, and now more overtly," dagdag niya.— FRJ GMA News