Ang mga tambalan nina Dustin Yu-Bianca De Vera, AZ Martinez-River Joseph, at Shuvee Etrata-Klarisse de Guzman, ang nanganganib na mapalabas mula sa "Pinoy Big Brother" house matapos ang unang face-to-face nomination night.

Sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nitong Lunes, ipinakita ang pagbibigay ng puntos ng natitirang 12 housemates sa bawat tandem o duos na sa tingin nila ang dapat mapalabas na sa bahay ni Kuya. 

Kailangan din nilang ipaliwanag ang dahilan sa kanilang mga boto.

Matapos ang nomination night, nakakuha ang tandem nina Dustin-Bianca ng 13 points, habang mayroon namang pitong puntos ang AZ-River tandem. Tatlong puntos naman ang ibinigay sa tandem nina Shuvee at Klarisse.

Ligtas naman sa nomination ang tandem nina Ralph De Leon-Will Ashley pair na may one point.

Tanging ang tambalan nina Mika Salamanca-Brent Manalo at Esnyr-Charlie Fleming ang hindi nakakuha ng puntos.

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network sa weekdays sa ganap na 10:05 p.m. at sa Sabado sa ganap na 6:15 p.m. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News