Natagpuan ang katawan ng isang menor na edad na babae sa bayan ng Binangonan, Rizal ng Linggo ng umaga.

Ayon sa report ni Sam Nielsen ng Super Radyo dzBB, 5:40 ng umaga nang makita ng isang mangingisda ang palutang lutang na katawan ng babae malapit sa daungan ng mga bangka sa Barangay Kalinawan.

Kaagad na tumawag ng tulong sa awtoridad upang maisalba ang bata.

Ayon sa mga pulis, ang biktima ay may buhok na hanggang balikat, nasa taas ng 4’9’’ at nakasuot ng itim na pantalon at asula na pangtaas. 

Walang bakas na dumanas ang biktima ng karahasan at hinihinala na ito ay nalunod anya ng imbestigador.

Sa pagtatananong ng pulisya walang nakakakilala sa biktima ang mga residente ng lugar.

Dinala sa punerarya ang mga labi ng biktima habang hinihintay ang pagkuha nito ng kanyang mga kaanak. —RF GMA News