Nagulat ang ilang residente matapos magkulay pula ang kalangitan bago bumuhos ang malakas na ulan sa Miass sa Russia.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita sa video mula sa Chelyabinsk Oblast ang mga kumpol ng ulap na kakaiba ang kulay.
Nakita ito kasabay ng paglabas ng babala ukol sa inaasahang malakas na ulan at thunderstorm sa lugar.
Ilang iba pang rehiyon sa Russia ay nakaranas din ng malalakas na pag-ulan nitong mga nakaraang linggo.— MCG GMA News
