Isang 53-anyos na lolong motorcycle taxi rider sa Marikina, arestado dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang 10-anyos na stepgranddaughter sa loob ng limang taon.
Ang biktima, nabuntis at ngayon ay may mag-iisang taong gulang na anak.
Di na nakapalag ang 53 anyos na Lilong ito nang arestuhin siya sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City kahapon.
Sinilibihan ng arrest warrant dahil sa umano'y paulit-ulit na panggagahasa sa menor de edad niya stepgranddaughter.
Ayon sa pulisya, taong 2021 sa Barangay Tumana nangyari ang unang aksidente ng panggagahasa sa noo'y sampung taong gulang na biktima.
Kasama raw sa bahay ng biktima ang kaniyang ama at tiyahin. Pero sa tuwing magta trabaho ang mga ito at naiiwan ang biktima sa bahay, pinupuntahan daw siya ng kanyang stepgrandfather at saka ginagawa ang panghahalay.
“Nangyayari yan everytime na nalalasing yung kaniyang stepgrandfather and yung bata mahilig kasing kumain ng ice cream so in exchange dun sa ice cream ay nung una medyo hawak hawak lang sa private parts ng bata tapos hanggang nung tumagal na, pag gustong maglaro ng bata ng cellphone, yun ibibigay niya ang cellphone pero siyempre ginagahasa niya yung ating victim dito,” ani Police Col. Jenny Tecson, Marikina City police chief.
Base sa imbestigasyon, nagpatuloy ang panggahasa sa loob ng limang taon hanggang sa lumipat ng tirahan ang pamilya ng biktima sa ibang barangay sa Marikina.
Hindi raw nagawang magsumbong ng biktima dahil sa takot.
Agosto nakaraang taon nang mapansin ng tiyahin ang kakaibang kilos ng biktima, ayon sa polisya.
“Napansin ng tita na may kakaiba sa kaniyang katawan kaya minabuti nila na magconduct ng pregnancy test sa bata, nag-turn positive. Na find out nila na she’s already eight months pregnant,” sabi ni Tecson.
Doon na raw umamin ang biktima sa paulit-ulit na panggagahasang ginawa ng kaniyang stepgrandfather.
Ang kaniya raw lola na asawa ng suspek ang mismong nagbigay alam sa ama ng menor de edad ukol sa pangyayari.
Inireport ng pamilya ang insidente sa awtoridad.
Nitong July 22, inilabas ng korte ang arrest warrant laban sa suspek na isang motorcycle taxi rider.
Sinubukan ng GMA News na kunan ng pahayag ang suspek pero tumanggi siya.
Sa Marikina police custodial facility naka detain ang suspek na sasampahan ng kason 5 counts of statutory rape, 5 counts of secual assault, at acts of lasciviousness.
Walang pahayag sa media ang pamilya ng bitima na ngayon ay may anak na mag-iisang taong gulang. — BAP GMA News

