Sampung overseas Filipino workers ang nakaranas ng racism at pangungutya sa isang mall sa Kuwait, ayon sa isang ulat ng "Unang Balita."
Ayon sa isang OFW, pumila ila ng kanyang mga kasama sa isang mall para bumili ng sapatos.
Pero matapos ng limang oras na paghihintay, bigla na lang daw silang nilapitan ng manager at sinabihang hindi ibebenta ang sapatos sa mga Pilipino.
Dito na raw nagkaroon ng komosyon at pinagtawanan pa sila ng mga Kuwaiti sa pila.
Ipinamukha rin daw ng mga ito na ang perang ipapambili nila ng sapatos ay galing din sa kanila.
Umani ng negatibong komento online ang insidente.
Tumanggi magbigay ng pahayag ang manager ng tindahan. — BAP, GMA News
