Nasawi ang isang lalaking nagnanakaw umano ng panabong na manok matapos siyang hatawin sa ulo ng tipak ng semento ng may-ari nito sa Consolacion, Cebu.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, isinalaysay ng may-ari sa pulisya na natutulog siya nang magising at mapansing kinukuha na ng lalaki ang kaniyang panabong na manok.
Kaya pinukpok niya sa ulo ang lalaki gamit ang isang tumigas na tipak ng semento.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang 52-anyos na may-ari ng manok panabong, na mahaharap sa reklamong homicide.
Hindi pa siya nagbibigay ng pahayag sa media. — Jamil Santos/VBL GMA News
