Sugatan ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kaniyang nobyo sa Calinog, Iloilo. Ang biktima, gusto na umanong makipaghiwalay sa suspek.

Sa ulat ni Sevein Hope Gegantoca ng Super Radyo Iloilo sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang krimen sa loob ng boarding house na tinutulyan ng biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumabas na gusto na umano ng biktima na makipaghiwalay sa suspek, na tinutulan ng lalaki at humantong sa krimen.

Isinugod sa ospital ang sugatang biktima habang tinutugis naman ang tumakas na suspek.

– FRJ GMA News