Tatlong lalaki na nagwe-welding ang nasawi matapos silang mabagsakan at madaganan ng malaking tangke ng tubig sa Abulug, Cagayan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng Bureau of Fire Protection-Abulug, na rumesponde sa insidente, nagwe-welding ang mga biktima sa isang water facility sa Barangay Simayung nang biglang bumagsak ang tangke ng tubig.

Kinailangan gumamit ng excavator para makuha ang mga biktima na nadaganan ng tangke.

Nasawi ang mga biktima na nagtamo ng matitinding pinsala sa kanilang mga katawan.

Nilinaw naman ng Abulug Water District na hindi sila ang may-ari ng bumagsak na tangke ng tubig.

Patuloy pa isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. – FRJ GMA News