Ibinalot sa plastic saka itinapon sa basurahan ang isang sanggol sa Mandaue City, Cebu.

Bagama't mahina, buhay at humihinga pa ang sanggol nang makuha siya ng mga pulis.

Pagdating sa ospital, sinubukan pang padedehin ang sanggol sa isa sa mga pasyenteng kapapanganak lang.

Pero binawian din ng buhay ang sanggol makalipas ang ilang oras.

Ayon sa sumuring doktor, premature ang sanggol.

Nahuli kalaunan ang inang nag-abandona sa sanggol, na nagtatrabaho bilang kasambahay.

Kuwento niya, bigla na lang daw lumabas ang sanggol habang umiihi siya.

Itinapon niya raw ang sanggol sa pag-aakalang patay na ito.

Nakakulong na ang ina na nahaharap sa reklamong abandonment. —JST, GMA News