Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) sa San Enrique Negros Occidental.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na sinabayan ng mga salarin ang biktima habang bumibiyahe at saka pinagbabaril.
Nahuli kalaunan ang tatlong suspek nang dumaan sila sa isang checkpoint ng mga pulis.
May nakitang mga baril at mga bala, ilegal na droga sa loob ng kanilang sasakyan.
Mahaharap sila sa mga reklamong murder, illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.
Sinabi ng pulisya na hindi nagbigay ng pahayag ang mga suspek at patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen. – FRJ GMA News
