Ipinamalas ng isang lalaki sa South Cotabato na hindi lang para sa tao ang paggunita ng Undas, kung hindi maging sa mga yumaong pinakamamahal na alagang hayop. Ang ipinagawa niyang libingan sa namayapa niyang alagang kabayo na naka-tiles, nilinis na niya.
Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Miyerkoles, ipinakita ang mga larawan ng masayang samahan nina Kagawad Julius Denian ng Barangay Denlag ng Lake Sebu, at alaga niyang kabayo na si “Gatas” noong nabubuhay pa ang huli.
Ayon kay Denian, parang anak ang turing niya kay Gatas na laging nananalo kapag isinasabak niya sa horse fighting sa mga kapistahan.
Pero noong Mayo 2025, binalot ng lungkot si Denian nang pumanaw si Gatas.
Ngunit sa halip na gawing “tapa” o katayin na tulad ng ginagawa sa ibang namamatay na kabayo para pakibangan, pinili ni Denian na bigyan ng disenteng libingan si Gatas sa Barangay Laconon sa T'Boli.
Dahil sa nalalapit na Undas, nilinis n ani Denian ang puntod ni Gatas na pinalagyan niya pa niya ng tiles ang ibabaw. – FRJ GMA News
