Patay ang isang lalaki sa Albuera, Leyte matapos umanong barilin ng kanilang barangay chairman habang nagpapapirma ng form, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Sa hindi pa malamang dahilan, binaril ni Barangay Chairman Andres Cruz Paulito Patonog sa harap ng iba pang nagpapapirma ng Social Amelioration Program (SAP) clearance.

Arestado agad si Cruz, na nagsabing tila may masamang balak daw sa kaniya ang biktima kaya niya ito binaril.

Hindi naman matanggap ng mga kaanak at kapitbahay ng biktima ang nangyari. Anila, halos lahat ng nakalistang beneficiary sa kanilang lugar ay wala pang nakukuhang ayuda. --KBK, GMA News