Kinabibiliban sa Pagadian City ang isang jetski na mukhang mamahalin pero nagawa lang pala gamit ang plywood at mga piyesa ng motorsiklo.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing ang naturang jetski ay ginawa ng punong barangay ng White Beach at isang karpintero na ka-barangay niya.

Ang katawan ng jetski ay gawa sa plywood at nilagyan ng makina at manibela ng motorsiklo.

Inabot daw ng dalawang linggo ang paglikha ng Pinoy-made jetski na maganda naman daw ang takbo.

Kinagiliwan din ang jetski sa social media dahil sa maganda nitong disenyo.

Natuwa rin ang mayor ng Pagadian City na si Sammy Co sa jetski at magtatalaga raw siya ng mga tao na makatutulong para lalo pang pagandahin ang mga hitsura nito.

Inihayag din ng lokal na pamahalaan na magpapagawa rin sila ng dagdag na home-made na jetski magamit transportasyon at dagdag na atraksiyon sa kanilang lugar.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News