Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay na ginagamit umanong cybersex den sa Bislig, Surigao del Sur.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing armado ng search warrant ang mga awtoridad nang salakayin ang cybersex den kung saan lima ang inaresto.

Nasagip naman ang 15 na ginagamit umano sa online kalaswaan, na karamihan ay kabataan.

Ipinagkatiwala sa Department of Social Welfare and Development ang mga kabataan, habang sinampahan ng kaso ang mga inaresto na hindi nagbigay ng pahayag.

Kabilang sa mga nakumpiska sa mga suspek ay pornograpic materials, computer at cellphone na ginagamit umano sa online kalaswaan.--FRJ, GMA News