Isang motorcycle rider sa General Santos City ang namatay matapos magulungan ng fire truck sa gitna ng motorcade ng Bureau of Fire Protection sa pagsisimula ng Fire Prevention Month, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Kita sa amateur video na sumemplang ang rider sa tabi ng truck dahilan para magulungan siya nito. Ihahatid lang sana ng rider ang kaniyang misis sa trabaho.

Masuwerteng nakaligtas ang misis ng biktima.

Naghatid naman ng pakikiramay ang BFP. Anila, "purely accident" ang nangyari at walang may kagustuhan nito. —KBK, GMA News