Patay ang isang construction worker sa Zamboanga City na nag-aayos ng bubong nang makuryente ito sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lannie.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Arjon Bernabe, na nakuryente sa live wire habang nasa bubong ng isang bahay. 

Naisugod pa sa ospital si Bernabe pero idineklara siyang dead on arrival.

Nananawagan ng tulong ang kaniyang ina sa may-ari ng bahay na inayos ng kaniyang anak.

Hindi pa nagbibigay ng tugon ang may-ari ng bahay. —Jamil Santos/LBG, GMA News