Naaresto sa Maynila ang isang lalaking suspek sa pamamaril ng dahil sa pautang sa Angeles, Pampanga.

Iniulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Miyerkules na mga taga-Malate pulis sa Maynila  ang nakahuli sa suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, binaril umano ng suspek ang biktima dahil hindi ito nakapagbayad ng utang. Itinanggi naman ng suspek ang paratang.

Nangyari ang pamamaril Martes ng madalaing-araw. Nahuli ang suspek tanghali noon ding araw.

Nai-turn over na ng mga pulis-Maynila ang  suspek sa Angeles City Police.

Nahaharap siya sa reklamong frustrated murder. Samantala, nagpapagaling na sa ospital ang kanyang biktima. —LBG, GMA News