Sugatan ang isang ginang matapos silang pagbabarilin at ng kaniyang mister ng mga salaring sakay ng motorsiklo sa Paoay, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Gemma Gapos, na tinamaan ng bala sa pisngi.

Dinala ang ginang sa pagamutan at nagpapagaling pa.

Samantala, wala pang linaw kung ano ang nangyari sa kaniyang asawa.

Alitan sa lupa ang isa sa mga tinitingnan na posibleng motibo sa krimen.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin.--Jamil Santos/FRJ, GMA News