Nahuli-cam ang pagnanakaw ng isang lalaki sa isang tindahan sa Plaridel, Quezon province.

Sa kuha ng CCTV makikita ang paghahanap ng lalaki ng pera sa loob ng tindahan.

Wala siyang damit pang-itaas at may saklob na damit sa ulo.

May mga pakakataong napatingin siya sa camera kaya mabilis siyang nakilala.

Arestado ang suspek.

Ayon sa mga pulis umabot sa P42,000 ang halagang tinangay ng lalaki mula sa tindahan.

Sinampahan ang suspek ng reklamong pagnanakaw. —LBG, GMA News