Nahuli-cam ang pagsalpok ng isang motorsiklo sa kasalubong na truck na nasa tamang linya ng kalsada sa Guinguinto, Bulacan. Ang rider ng motorsiklo, nasawi.

Sa ulat ni Russel Simorio sa GMA Regional TV "One North Central Luzon" nitong Biyernes, makikita sa kuha ng dashcam ang paglipat ng isang motorsiklo sa kabilang bahagi ng kalsada sa bypass road na sakop ng Guiguinto.

Doon na nakasalubong ng motorsiklo ang paparating na truck, at nangyari na ang salpukan.

Pumailalim sa truck ang rider at nasawi. Nakaligtas naman ang kaniyang angkas.

"Yung nakamotor mga lasing, nag-counter flow sila doon sa oppositite direction ng truck. Tama naman yung linya ng truck, nabulaga siya [truck driver]. Gusto niya man mag-break, hindi naman agad mahihinto yung sasakyan [truck]," sabi ni Police Lieutenant Colonel Jowilouie Bilaro, hepe ng Guiguinto Police Station.

Sinubukan pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng rider, ayon sa ulat.

Samantala, nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng truck.--FRJ, GMA Integrated News