Natagpuang patay ang tauhan ng isang beach resort sa Compostela, Cebu matapos iligtas ang dalawang guest na inanod sa dagat, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Martes.

Gabi ng Pasko nang matagpuan ang bangkay ni Judah Villacarillo, ilang oras matapos siyang iulat na nawawala matapos subukang iligtas ang dalawang guest.

Nakainom umano ang dalawang guest at nag-swimming kahit masama ang panahon. Kapwa sila nailigtas.

Inako naman ng may-ari ng beach resort ang gastusin sa pagpapalibing kay Villarcarillo. —KBK, GMA Integrated News