Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P69 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang bayan sa Northern Samar.

Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles na nasabat ang droga sa isang checkpoint sa Barangay Jubasan sa bayan ng Allen.

Ayon sa ulat, nakasilid ang mga pakete ng shabu sa mga tea bag na nakakarga sa isang kotse.

Batay sa ulat ng pulisya, unang sinita ang sasakayan dahil hindi raw nakasuot ng seatbelt ang driver, at nang imbestigahan inamin umano nito na may shabu sa loob ng sasakayan.

Arestado ang driver na kinilalang si Mangayaw Mitumara. —LBG, GMA Integrated News