Patay ang isang 38-anyos na lalaki matapos siyang hatawin ng martilyo sa ulo kaniyang katrabaho sa isang machine shop sa General Santos City.Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, sinabing naliligo ang biktima nang mangyari ang krimen.Ayon kay Police Station 5 Commander Police Major Wesley Matillano, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na madalas mag-away ang biktima at suspek na parehong stay-in worker.Batay umano sa mga impormasyon mula sa mga katrabaho ng dalawa, sinabi ni Matillano na binu-bully umano ng biktima ang suspek, na patuloy na hinahanap matapos na tumakas.Posibleng maharap ang suspek sa reklamong homicide o murder.Sinisikap pa ng GMA Regional TV One Mindanao na makuhanan ng reaksiyon ng may-ari ng shop owner at pamilya ng biktima.-- FRJ, GMA Integrated News