Nahuli-cam ang pagnanakaw ng ilang rider sa dalawang kambing sa isang kambingan sa Oton, Iloilo. Sa Pototan naman, arestado ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw naman ng tatlong kambing.Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, mapanonood sa CCTV ang pagdaan ng mga motorsiklo sa isang kalsada sa Barangay Abilay Norte sa Oton.Ilang saglit pa, tumigil sila sa gilid ng kalsada, at bumaba ang ilang angkas at pumasok sa isang kambingan.Paglabas ng mga ito, makikitang may dala na silang dalawang kambing bago sumakay sa motorsiklo at tumakas.Hindi na iniulat ng may-ari ng mga kambing sa pulisya ang insidente.Samantala sa Pototan, dinakip ang isang lalaki nang mahuli siyang nagnanakaw ng tatlong kambing sa Barangay San Vicente sa Leganes.Nagkakahalaga ng P21,000 ang mga kambing na naibalik naman sa may-ari.Sinampahan ng reklamong theft ang suspek, na tumangging magbigay ng kaniyang pahayag.—Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News