Ilang local government units (LGUs) ang nag-anunsyo na suspendido ang face to face classes o walang pasok sa paaralan sa Martes, November 17, 2026 dahil sa mataas na heat index at iba pang dahilan.
Narito ang listahan ng mga apektadong lugar:
Guinobatan, Albay-- Limitado ang face-to-face classes sa lahat ng elementary at secondary schools na mula 6:30 AM hanggang 10:45 AM dahil sa heat index forecast na aabot sa 38°C batay sa pagtaya ng PAGASA.
Aroroy, Masbate-- Idineklarang Special Non-Workinf Day ang Nov. 7, 2026 para sa selebrasyon ng pagkakatatag ng kanilang bayan.
Metro Manila-- Dahil sa idinadaos na 49th ASEAN Summit and Related Summits na idineklarang Special (Non-Working) Days ang NOVEMBER 16, 17 & 18, 2026 sa ilalim ng Proclamation No. 1447, s. 2026.
Talisay City, Cebu—Magpapatupad ng adjusted class schedules sa lahat ng public schools dahil sa matinding init at dengue cases.
San Fernando, Cebu—Magpapatupad din ng mas maigsing oras ng face to face classes sa mga pampublikong paaralan sa Martes dahil sa mainit na panahon. 6:00 am to 10 :00 am sa umaga at 2:00 pm to 6:00 pm naman sa hapon.
I-refresh ang page para sa update—FRJ GMA News
