Isang spa sa Cairo, Egypt ang may kakaibang pakulo sa kanilang kostumer na nais makapag-relax sa pamamagitan ng pagmasahe ng mga buhay na ahas.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nilalagyan muna ng langis o oil ang likod ng kliyente bago pagapangin ang nasa 28 uri ng ahas, kabilang ang malaking sawa.

Tumatagal ng 30 minuto ang masahe at kasama rin sa mga pagagapangan ng mga ahas ang mukha ng kostumer.

Ayon sa kliyenteng si Diaa Zein na magpamasahe sa mga ahas; "After the snakes were placed on my back I felt a sense of relief and rejuvenation."

Aminado naman siya na takot siya sa simula pero nabawasan daw ito nang maramdaman niya ang ginhawa sa kaniyang katawan.

Ayon sa may-ari ng spa, nagagawa ng mga ahas na bawasan ang pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan sa pamamagitan ng kanilang paggapang.

Pinapahusay din daw ng masahe ng mga ahas ang sirkulasyon ng dugo ng tao para makapaglabas ng endorphins.--Reuters/FRJ, GMA News