Matapos ipakilala ang mga gaganap na bida sa inaabangang live action series na “Voltes V: Legacy,” kilalanin naman ngayon ang mga magpapahirap sa V5 Team na sina Prince Zardoz at Zandra.

Iniulat sa GMA News “24 Oras” nitong Biyernes na si Martin del Rosario ang napiling gumanap bilang si Prince Zardoz, habang ang sexy Kapuso actress na si Liezel Lopez ang gaganap na si Zandra.

"Nung nakuha ko 'to, yung puso ko talaga kumabog nang kumabog nang malakas kasi alam ko kung gaano kalaki 'tong project na 'to," ayon kay Martin.

Una nang ipinakilala bilang bida sa "Voltes V" sina Miguel Tanfelix [Steve], Ysabel Ortega [Jamie], Radson Flores [Mark], Matt Lozano [Big Bert], at Raphael Landicho [Little Jon].

Ang “Voltes V: Legacy” ay sa direksiyon ni Mark Reyes.– FRJ, GMA News