Pumanaw na ang composer na si Rene “Alon” dela Rosa, na siyang nasa likod ng OPM hit song na “Pusong Bato.”

Ang anak ni Alon na si Justine dela Rosa, ang nagpaabot ng malungkot na balita nitong Miyerkules.

Hindi binanggit ni Justine ang dahilan ng pagpanaw ng ama.

Pero sa nauna niyang post, sinabi niyang nahihirapan silang makahanap ng ospital na mapagdadalhan sa kaniyang ama.

“Badly needed, private hospital with available room,” saad niya nitong Martes.

“Or baka may kakilala po kayo na tao na marrefer nyo po sa amin. Please po need ma-admit sa ospital ng papa ko,” ayon pa kay Justine.

Nang maging guest noon sa "Wowowin" si Alon, sinabi niya kay Willie Revillame na nagawa niya ang "Pusong Bato" matapos siyang mabigo sa pag-ibig.– FRJ, GMA News