Sa 33 taon sa industriya, pumayag si Geneva Cruz na gumawa ng literal na “bed scene” para sa Kapuso series na "Little Princess."

Nitong Miyerkules, nag-post ng video clip si Geneva sa eksena nila Marx Topacio na nasa kama at nakatakip ng kumot ang kanilang katawan.

Bukod sa pagsisigarilyo, walang intimate scene na kasama sa eksena.

“FYI: I’ve been in this business for 33 years, and this was my first bed scene, as in scene sa bed lang pala so… yahooo,” saad ng singer-actress sa caption.

“Thankful to Unit 2’s super director Linette [Zurbano] and my co-actor @marx_topacio for their patience in guiding me,” dagdag niya.

 

 

Pinanood ni Geneva ang eksena habang katabi ang anak na si London, at madidinig ang reaksyon ng bata sa video.

“It’s acting, okay? That’s acting, baby,” sabi ni Geneva sa anak.

Tanong ni London, “Why do you have to be mean?”

Na sinagot naman ni Geneva na: “Mommy’s work is to pretend on TV.”

"Smoking is bad, too," sabi pa ni London sa ina.

Ipinaliwanag naman ni Geneva na hindi talaga siya naninigarilyo.

“I know. Mommy doesn’t smoke, okay? I wasn’t really smoking,” pagtiyak niya sa anak.

Gumaganap na kontrabida si Geneva sa “Little Princess,” na pinagbibidahan ni Jo Berry. —FRJ, GMA News