Malaki ang pasasalamat ni Ina Raymundo na hindi seloso ang kaniyang naging asawa na si Brian Poturnak.

"He's such a cool husband. I have the coolest husband. He's not seloso, he's so secure," sabi ni Ina sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles.

Si Ina pa raw mismo ang nagkukuwento ng mga karanasan niya kay Brian tungkol sa mga lalaking dumidiskarte sa kaniya.

"I even told him nga na kapag may naghi-hit on sa akin, sinasabi ko sa kaniya talaga, tinatanong ko 'Do you think the guy was hitting on me?' 'Of course he was hitting on you.'... Baka kasi minsan I'm clueless," saad ng 47-anyos na actress-model.

"But I'm so thankful he's not seloso, because if he's a jealous husband I'd be so miserable. I'll be so unhappy," sabi ni Ina.

Inamin naman ni Ina na siya ang mas nagseselos sa kanilang dalawa ni Brian.

"Hindi niya ako binibigyan ng rason para magselos. Pero hindi ako ipokrita at sasabihin na hindi ako selosa because I am. Pero I'm so thankful to God dahil binigyan niya ako ng asawa na hindi talaga nagbibigay ng reason para magselos ako," pahayag niya.

Pero para kay Ina, paraan niya lamang ito para mag-set ng kaniyang boundaries.

"Yes, you're being protective. That's me. I'm protective."

May limang anak na sina Ina at Brian: Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika at Minka.-- FRJ, GMA Integrated News