Ipinakita ng mom-to-be na si Kris Bernal na bukas siyang tanggapin ang pagbabago sa kaniyang katawan ngayong magkaka-baby na siya.

Sa Instagram, nag-post si Kris ng kaniyang larawan habang naka-yellow bikini sa tabi ng swimming pool at kita ang kaniyang baby bumb.

"Soaking up the summer sun at 50 degrees celsius," saad ng aktres sa caption, na nagkuwento rin ng kaniyang karanasan bilang buntis.

"Embracing my new and growing body. It's there to host our baby and to keep it healthy and that's it! Starting to feel her little kicks! She's a kicking machine! Nonetheless, I smile so big!" masaya niyang pagbabahagi.

Ayon pa sa aktres, "I am feeling pretty good the majority of the time in this 2nd tri! The first trimester was rough! I wanted to do everything I could to be healthy as possible, but everything smelled and tasted disgusting!"

Sa kaniyang vlog, sinabi rin ni Kris ang mga pagkain na hinahanap-hanap niya gaya ng coffee, quinoa, bread, at truffle. May mga iniwasan din umano siyang mga pagkain dati gaya ng kanin, lechon kawali, salty food tulad ng corned beef at hotdog, ay maging ang maasim na sinigang.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

 

Sa comment section, marami ang nagpahayag na isang magandang buntis si Kris.

Kamakailan lang, nagkaroon ng gender reveal party si Kris at lumabas na babae ang magiging unang anak nila ni Perry Choi.

Ikinasal ang dalawa noong September 2021 matapos na ilang beses na makansela dahil sa pandemic.—FRJ, GMA Integrated News