Hindi na kailangan ng isang lalaki sa China na bumili ng alarm clock dahil sa alaga niya manok na araw-araw siyang pinupuntahan sa higaan para tumilaok tuwing umaga.

Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, sinabi ni Qi Wentong, na nag-aalaga kay Rourou, isang manok na tandang, na hindi niya ito kaya malayang nakakagala sa kaniyang bahay sa Heibei.

Tuwing 7:00 ng umaga, umaakyat ang manok sa kaniyang higaan, pupuwesto sa kaniyang ulunan at buong lakas na titilaok.

Ang ginagawang iyon ni Rourou, wala raw palya sa araw-araw.

Inampon umano ni Wentong si Rourou nang magkaroon ng sakit ang dating nagmamay-ari sa manok.

Magmula noon, nagmistulang buhay na alarm clock na niya si Rourou. -- FRJ, GMA Integrated News