Hindi itinatago ni Alden Richards ang pagiging malapit nila ni Kathryn Bernardo sa isa't isa nang makapanayam ng isang magazine.

Bilang cover ng Preview magazine ngayong Mayo, natanong si Alden tungkol sa ilang pagkakataon na nakita silang magkasama ni Kathryn.

“Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” saad ng aktor.

Ayon kay Alden, nanatili silang magkaibigan ni Kathryn kahit tapos na nilang gawin ang pinagtambalan nilang 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.”

“The friendship never ended. Naging solid din talaga 'yung samahan naming lahat. And right now, I'm just quite overwhelmed,” sabi ni Alden sa Preview.

Nagpapasalamat din ang aktor sa positibong pagtanggap ng mga tao sa tambalan nila ng aktres nang gawin nila ang nasabing pelikula.

“I was actually surprised [with] how people reacted to [us],” ani Alden. “I don't want to be the first person to say a lot of things about it, but I'm glad that it's being received well.”

Pinag-usapan ng netizens nitong Marso ang pagdalo ni Alden sa 28th birthday celebration ni Kathryn sa El Nido, Palawan. Present din ang binata sa isa pang birthday party ng aktres, na makikita ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Hindi rin nawala si Alden sa housewarming party ni Kathryn noong Abril.

Sa isang panayam, sinabi ni Alden na "what you see is what you get" kung ano man ang nakikita sa kanila ng mga tao.

"Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media 'yung mga ganiyan. You know, sometimes 'yung mga personal things that's happening, better be personal na lang," sabi ni Alden kaugnay sa pagrereto sa kanila ng netizens. —FRJ, GMA Integrated News