Kahit nakapanganak na, naninindigan pa rin ang 22-anyos na si "Jane" ng Zamboanga del Sur na birhen pa rin ang kaniyang pagkababae at wala pa talaga siyang karanasahan sa pakikipagtalik, bagay na pinagdududahan ng ilan.  Pero posible nga ba itong mangyari? Panoorin ang ginawang pagtutok ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa kaniyang kuwento.

Ayon kay Jane, nitong nakaraang Marso nang mapansin ng kaniyang ama ang paglaki ng kaniyang tiyan. Nang ipasuri sa doktor, lumitaw na Setyempre siya nagsimulang magdalang-tao.

Pero nanindigan siya sa kaniyang mga magulang na walang lalaking nakagalaw sa kaniya. Nakasaad din umano sa pagsusuri ng doktor na birhen pa rin ang kaniyang pagkababae.

Hinala ng kaniyang mga lolo at lola, elemento ang posibleng nakabuntis sa kanilang apo.  Habang ang ilan naman sa kanilang lugar, naghihinala na ang nobyo ni Jane ang ama ng sanggol na isang linggong gulang na ngayon.

Ano nga ba ang posibleng nangyari kay Jane? May kinalaman kaya rito ang aksidenteng nangyari sa kaniya noon na sinasabing nakaapekto sa kaniyang memorya? Alamin ang paliwanag ng ilang eksperto sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

Click here for more GMA Public Affairs videos
 

--FRJ, GMA News