Nakaimbento ang ilang magkakaklase sa kolehiyo sa San Carlos, Pangasinan ng isang user-friendly mobile application na kayang i-start ang motorsiklo nang hindi ginagamitan ng susi.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" niyong Biyernes, sinabing safe daw sa mga magnanakaw ng motorsiklo ang keyless paandar ng mga estudyante.

Ang may-ari lang daw kasi ang maaaring makapagpaandar ng motorsiklo gamit ang bluetooth na ikinokonekta sa android phone.

Mayroon din itong security feature na fingerprint scanning.

Ngayon pa lang daw, marami nang rider ang gustong subukan ang kanilang motorcycle app. -- FRJ, GMA News