Kakaibang regalo ang naisip ng isang Tiktoker bilang regalo sa kaniyang mister nitong Valentine's Day.

Sa video post ng TikToker na may username na @gr93la, nag-print siya ng mga larawan ng mga babae na madalas daw i-like ng kaniyang mister sa Instagram.

Inayos pa ng babae ang mga larawan at nilagyan ng stick para maitayo bago niya ibinigay sa kaniyang asawa.

“What did you get your man for Valentine’s Day?,” saad niya sa caption ng video na milyon-milyon na ang video.

Pero hindi naman naghahanap ng gulo ang babae at nais lang niyang biruin ang kaniyang asawa.

“Since everyone is sharing what they got their significant other for Valentine’s Day, I thought I’d share mine,” sabi ng babae sa video. “I got my husband this cute little box and filled it with pictures of all the girls that he’s been liking on Instagram. Hope he likes it.”

Sa isa pang video, makikita naman ang reaksiyon ng mister nang ibigay na ng babae ang kaniyang regalo.

“What the hell is this?” natatawang tanong ng lalaki.

“All the pictures you’ve been liking on Instagram,” sabi naman ng babae.

“Oh, very nice,” nakangiting tugon ng lalaki.

Umani naman ng magkakaibang reaksiyon sa netizen ang kakaibang Valentine's gift ng babae.--FRJ, GMA News