Nagliwanag ang kalangitan sa Rio Grande du Sol sa Brazil sa pagbagsak mula sa kalangitan ng isang meteor o bulalakaw.

Makikita sa video na inilabas ng Unang Balita nitong Miyerkoles na biglang nagliwanag ang kalangitan nang pumasok sa earth's atmosphere ang bulalakaw at tila naging bolang apoy.

Ayon sa space observatory ng Brazil, ito na ang pinakamalaking meteor na nakita sa Rio Grande du Sol ngayong taon.

Wala naman umanong naiulat na napinsala dahil dito. —LBG, GMA Integrated News